Serbisyong Tatak UP (STUP) recognized at the 20th Gandingan Awards for Echoing Environmental Issues and Stories

Ang Serbisyong Tatak UP (STUP) ay isa sa mga pangunahing programa ng NSTP Diliman Office, katuwang ang DZUP 1602 Station, na kinilala sa 20th Gandingan Awards ng UP Community Broadcasters’ Society (UP ComBroadSoc). Binubuo ang mga episode nito batay sa UP NSTP UPD Common Module upang talakayin ang mahahalagang isyung panlipunan. Ginagamit din ang mga episode bilang kagamitang panturo sa silid-aralan, na naglalayong linangin ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral at palalimin ang kanilang kamalayang sibiko.

Kuha mula sa 20th UP ComBroadSoc Gandingan Awards

Ang 20th Gandingan Awards ng UP ComBroadSoc, na may temang “Pakinggan: Tinig ng Kalikasan,” ay ginanap noong Abril 26, 2026 sa D.L. Umali Hall, UP Los Baños.

Pinarangalan ang Serbisyong Tatak UP (STUP) sa kategoryang “Most Development-Oriented AM Station” para sa episode na Kalinga ng Komunidad: Pangangalaga ng Kalikasan at Kinabukasan. Tampok sa nasabing episode ang 2021 Ramon Magsaysay Awardee, Mr. Roberto “Ka Dodoy” Ballon, isang lider-mangingisda at tagapagtaguyod ng kalikasan, na kilala sa pangunguna sa mangrove reforestation at sa pag-oorganisa ng Kapunungan sa Gagmay’ng Mangingisda sa Concepcion (KGMC).

Tampok sa usapan ang karanasan ng mga mangingisda at kung paano naapektuhan ang kanilang kabuhayan ng pagkalbo ng kagubatan at mga aksyon ng pamahalaan. Tinalakay rin ang mga epekto ng climate change, kabilang ang pabago-bagong klima, pagtaas ng lebel ng dagat, at pagbawas ng huli ng isda na nagbabanta sa seguridad sa pagkain at pang-araw-araw na pamumuhay.

Ayon sa salaysay ni Ka Dodoy, bagama’t mahalaga ang mga inisyatibang pangkalikasan ng komunidad, hindi ito sasapat kung walang aktibong partisipasyon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas at pagbibigay ng sapat na suporta. Itinampok din ang mga praktikal na solusyon tulad ng pagtatanim ng puno, mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa illegal fishing at deforestation, at pagpapalakas ng komunikasyon sa pagitan ng komunidad at pamahalaan upang makamit ang napapanatiling pamumuhay at maprotektahan ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Ang tanggapan ng UP NSTP Diliman ay lubos na nagpapasalamat sa katuwang na radio station, ang DZUP 1602, at sa UP ComBroadSoc Gandingan Awards sa pagkilala sa aming programa, na nagsisilbing inspirasyon upang patuloy kaming magbahagi ng dekalidad na edukasyon at makabuluhang impormasyon sa aming mga tagapakinig.

#SerbisyongTatakUP
#TatakUPDNSTP
#STUP #NSTP
#DZUP1602 #KasaliKa
#20thComBroadSoc
#GandinganAwards2026

By: Dale Louis Cortez, Senior Project Assistant for Partnership at UP NSTP Diliman

şehirler arası nakliyat sohbet cinselsohbet
eczanelerde satılan geciktirici porno pornos kostenlos deutsche pornos