Mga Pahina ng Paglilingkod: Paglulunsad ng TANÁW, Tomo 1, Akademikong Taon 2024-2025

Ginanap noong ika-5 ng Oktubre 2026 sa Unang Palapag, Palma Hall Lobby, Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang paglulunsad ng kauna-unahang opisyal na publikasyon ng Tanggapan ng NSTP Diliman na TANAW, Tomo 1, Akademikong Taon 2024-2025. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga artikulo hinggil sa mga proyektong ipinatupad ng mga mag-aaral ng NSTP, kasama ang mga katuwang na komunidad at organisasyon,  para sa Akademikong Taon 2024-2025.



Binuksan ang programa sa ibinahaging pambungad na pananalita ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Akademiko, Prop. Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon, Ph.D. Ipinunto niya sa kaniyang mensahe ang pagkilala sa kasikhayan ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng mga proyekto at ang mga guro na nagsilbing pundasyon sa paggabay sa mga Iskolar ng Bayan. 



Sinundan ito ang mensahe ng inspirasyon ni Tsanselor Edgardo Carlo L. Vistan II, LLM kung saan aniya, “ang mga tagumpay na nakatala sa Tanáw ay higit pa sa mga proyektong natapos. Ang mga ito ay mga konkretong halimbawa ng kaalamang naisalin tungo sa pagkilos: mga inisyatibang tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad, nagbukas ng mga pagkakataon para sa pakikilahok, at nagbigay ng mga solusyong maaaring ipagpatuloy at palawakin”.




Binigyang-pugay naman ni Kat. Prop. Olivia Alma G. Sicam, Direktor ng NSTP Diliman ang mga miyembro ng lupon ng patnugot at ng malikhaing kawani ng aklat. Kinilala niya rin ang mga tagapag-ugnay, instruktor, at ang lahat ng mga kasalukuyan at dating kasapi sa pagpapatupad ng NSTP sa Pamantasan. 



Kasunod nito ang opisyal na pagpapakaloob ni Dir. Sicam ng aklat kay University Librarian Elvira Lapuz. Ipinabatid ni UL Lapuz sa kaniyang mensahe na sisiguruhin ng University Library na makakarating ang aklat sa mas maraming pang mambabasa. 



Ibinahagi rin ni Kat. Prop. Micah Jeiel Perez, tagapag-ugnay ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, ang mga proyekto ng kanilang mga mag-aaral sa NSTP. Sumasalamin sa kanilang pagbibigay-diin sa “Katapatan ng Paglilingkod” ang mga proyektong ukol sa misimpormasyon, disimpormasyon, voter’s education, kalusugang isip, empowerment, at karapatan ng mga bata. 




Sa kabilang banda, isinalaysay ni Kat. Prop. Sarah Grace Candelario, tagapag-ugnay ng Kolehiyo ng Edukasyon para sa Akademikong Taon 2024-2025, ang pangunahing proyekto ng kanilang yunit na TuklasBasa. Ang proyektong ito ay layong maghatid ng literacy training sessions sa community learning hubs ng Krus na Ligas, Pook Area 17, at Pook Aguinaldo.




Sa huli, nagbigay ng mensahe ng pagtatapos si Kat. Prop. Joan Hope Elgincolin, Ikalawang Direktor ng Tanggapan ng NSTP Diliman, kung saan binigyan niyang pagkilala ang mga kasapi ng NSTP Diliman. 



Bilang pagtatapos, naganap ang munting salu-salo kasama ang mga dumalo sa paglulunsad ng aklat. Lubos ang pasasalamat ng Tanggapan ng NSTP Diliman sa lahat ng mga naging bahagi ng aklat, at higit sa lahat, sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa pagpapatupad at pagpapaunlad ng NSTP sa Pamantasan. 




şehirler arası nakliyat sohbet cinselsohbet
eczanelerde satılan geciktirici porno pornos kostenlos deutsche pornos