๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐ฎ๐ง๐๐จ๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ง๐จ๐  ๐ง๐  ๐†๐š๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐ญ๐š๐ค ๐”๐!

Kuha mula sa 18th UP ComBroadSoc Gandingan Awards

Noong ika-4 ng Mayo 2024, ginanap ang ika-18 na Gandingan Awards sa Charles Fuller Baker Memorial Hall, UP Los Baรฑos, Laguna. Sa nasabing pagtitipon, muling iginawad sa Serbisyong Tatak UP ang titulong “Most Development Oriented AM Program” para sa natatangi nitong kontribusyon sa lipunan.

Noong nakaraang taon, nakamit ng Serbisyong Tatak UP ang naturang parangal dahil sa episode na pinamagatang โ€œKagawasan at Kalinaw: Plight of the Lumad” na angkop sa temang “Kabuhayan, Buhay ng Bayanโ€. Samantala ngayong taon, nagwagi ang entry na “Framework sa Pakikipagtulungan sa mga Komunidad: Oh My Gulay sa CHK NSTP-CWTS Ecogardenโ€, dahil tinatanghal nito ang mga pagsisikap ng mga mag-aaral mula sa CHK NSTP-CWTS na magkaroon ng isang matatag na eco garden sa kampus na suhay sa temang โ€œAgrikultura: Mga Kwento ng Hamon at Pag-asaโ€ na naglalayong magbigay ng pagpupugay sa agrikultural na sektor sa bansa.

Mapapanood ang buong episode sa: https://fb.watch/j5dO-LaqhR/

Kabilang din sa nominado para sa kategoryang โ€œMost Development – Oriented Youth Programโ€ ang STUP episode na pinamagatang, “Gurong Pahinungod” at ang “Kahampatan: Intervention Ethical Framework in Working with Communities” para naman sa kategoryang โ€œMost Development – Oriented Educational Programโ€.

Nagpapasalamat ang tanggapan ng NSTP Diliman sa Gandingan Awards sa patuloy nitong pagkilala sa programa at sa DZUP na siyang pangunahing katuwang ng tanggapan sa pagtataguyod ng programa. Higit sa lahat, nagpapasalamat din ang tanggapan sa mga nagbahagi ng kanilang kaalaman sa bawat diskusyon, mga naging tagapag-padaloy ng usapan, at mga naging tagapagtangkilik para sa kanilang walang sawang pakikinig sa programa.

Ang pagpaparangal ng Gandingan Awards sa mga tampok na episodes ng Serbisyong Tatak UP ay nagsisilbing hamon at inspirasyon sa amin upang patuloy na magbigay ng tapat at masikhay na paglilingkod sa bayan!

#TatakUPDNSTP

#SerbisyongTatakUP

#NSTP

By: Marielle M. Lagulay and Latrell M. Felix

ลŸehirler arasฤฑ nakliyat sohbet cinselsohbet
eczanelerde satฤฑlan geciktirici porno pornos kostenlos deutsche pornos