Ang NSTP Diliman Office, kasama ang DZUP 1602 ay inihandog ang Serbisyong Tatak UP (STUP), programang pang-radyo na pinarangalan sa Gandingan Awards at nakahanay sa NSTP UPD Common Module. Ang programa ay idinisenyo upang itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa mahahalagang isyung panlipunan at malawakan ding ginagamit bilang mga kagamitang pangkurikulum sa mga klase ng NSTP, na sumusuporta sa mga talakayan sa loob ng silid-aralan, kritikal na pakikilahok sa mga usaping panlipunan, at paghubog ng pananagutang sibiko ng mga mag-aaral. Kuha mula sa 19th UP ComBroadSoc Gandingan Awards Noong ika-26 ng Abril 2025, ginanap sa D.L. Umali Hall, UP Los Baños, Laguna ang ika-19 na Gandingan Awards ng UP ComBroadSoc na may temang “Tagahabi ng Kasaysayan para sa Bayan.” Ang serbisyong Tatak UP (STUP) ay pinarangalan ng “Most Development-Oriented AM Program”. Itinatampok ang episode: Human Rights Defender’s Bill, tumatalakay sa panukalang batas na naglalayong bigyang proteksyon ang mga indibidwal na nagsusulong ng progresibong lipunan. Binahagi rin dito ang mga impormasyong magagamit kontra sa diskriminasyon, partikular sa mga bata at kababaihan. Kuha mula sa 19th UP ComBroadSoc Gandingan Awards Kinilala rin ang Lagom ng Paghilom: Narratives of Women Victim – Survivors of Tokhang bilang “Most Development-Oriented Women’s Program”. Isinasaad ang mga kwentong pang-aabuso na dinanas ng mga babae na parte ng laylayan ng lipunan mula sa makapangyarihan o awtoridad. Layunin ng episode ng gisingin ang kamalayan ng madla ukol sa baluktot na sistema, at hinihimok din nito ang pagsusulong ng mas matitibay na batas laban sa anumang uri ng karahasan at diskriminasyon. Ang tanggapan ng UP NSTP Diliman ay nagpapasalamat sa katuwang na radio station, ang DZUP 1602, at sa Gandingan Awards para sa pagkilala ng aming programa. Muli, pagbati sa lahat ng aming kasama sa tagumpay na ito at nawa’y patuloy kaming makapaghatid ng dekalidad at makabuluhang impormasyon sa aming mga tagapakinig! #TatakUPDNSTP#STUP #NSTP #DZUP1602 #KasaliKa#19thComBroadSoc#GandinganAwards2025 By: Dale Louis Cortez, Senior Project Assistant for Partnership at UP NSTP Diliman
Gandingan Award
1 post