HOME

4 posts

Serbisyong Tatak UP (STUP) Marks Historic Milestone at the 19th Gandingan Awards

Ang NSTP Diliman Office, kasama ang DZUP 1602 ay inihandog ang Serbisyong Tatak UP (STUP), programang pang-radyo na pinarangalan sa Gandingan Awards at nakahanay sa NSTP UPD Common Module. Ang programa ay idinisenyo upang itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa mahahalagang isyung panlipunan at malawakan ding ginagamit bilang mga kagamitang pangkurikulum sa mga klase ng NSTP, na sumusuporta sa mga talakayan sa loob ng silid-aralan, kritikal na pakikilahok sa mga usaping panlipunan, at paghubog ng pananagutang sibiko ng mga mag-aaral. Kuha mula sa 19th UP ComBroadSoc Gandingan Awards Noong ika-26 ng Abril 2025, ginanap sa D.L. Umali Hall, UP Los Baños, Laguna ang ika-19 na Gandingan Awards ng UP ComBroadSoc na may temang “Tagahabi ng Kasaysayan para sa Bayan.” Ang serbisyong Tatak UP (STUP) ay pinarangalan ng “Most Development-Oriented AM Program”. Itinatampok ang episode: Human Rights Defender’s Bill, tumatalakay sa panukalang batas na naglalayong bigyang proteksyon ang mga indibidwal na nagsusulong ng progresibong lipunan. Binahagi rin dito ang mga impormasyong magagamit kontra sa diskriminasyon, partikular sa mga bata at kababaihan. Kuha mula sa 19th UP ComBroadSoc Gandingan Awards Kinilala rin ang Lagom ng Paghilom: Narratives of Women Victim – Survivors of Tokhang bilang “Most Development-Oriented Women’s Program”. Isinasaad ang mga kwentong pang-aabuso na dinanas ng mga babae na parte ng laylayan ng lipunan mula sa makapangyarihan o awtoridad. Layunin ng episode ng gisingin ang kamalayan ng madla ukol sa baluktot na sistema, at hinihimok din nito ang pagsusulong ng mas matitibay na batas laban sa anumang uri ng karahasan at diskriminasyon. Ang tanggapan ng UP NSTP Diliman ay nagpapasalamat sa katuwang na radio station, ang DZUP 1602, at sa Gandingan Awards para sa pagkilala ng aming programa. Muli, pagbati sa lahat ng aming kasama sa tagumpay na ito at nawa’y patuloy kaming makapaghatid ng dekalidad at makabuluhang impormasyon sa aming mga tagapakinig!  #TatakUPDNSTP#STUP #NSTP #DZUP1602 #KasaliKa#19thComBroadSoc#GandinganAwards2025 By: Dale Louis Cortez, Senior Project Assistant for Partnership at UP NSTP Diliman

Nurturing Youth through Education: The Success of UP Red Cross Youth’s “Batang KNL” Project

Bridging Gaps in Education The “Batang KNL” project was developed by UP Red Cross Youth in collaboration with the Krus Na Ligas (KNL) Association for Hope and Unity and Lakas ng Nagkakaisang Kababaihan sa Barangay UP Campus.  Derick Cabotage, External Vice President of UP Red Cross Youth, shared that one day, a member who had been working with the KNL mothers’ association reached out asking if they would consider helping with their community learning hub. Despite the lack of formal training or qualifications to teach at the time, the team decided to visit the Learning Hub to see what they could do. They met Tita Wilma, Tita Maricris, Teacher Joshua, and some of the kids in the community and decided to move forward with the project. Following consultations with everyone in the organization, the initiative gained momentum, and their story with the Learning Hub began to unfold. This strategic partnership was crucial in identifying the needs of the community and ensuring that the project was tailored to address them effectively. A Community-Centric Approach At its core, “Batang KNL” aimed to support grade school children who needed extra lessons and who were eager to learn new skills outside their regular school curriculum. Recognizing the diverse educational needs of children in Krus Na Ligas, the project created a safe and nurturing environment at the Krus Na Ligas Community Learning Hub, where children could engage in various learning activities. Innovative Learning Strategies The project adopted a holistic approach to education, incorporating academic support with fun-filled activities. Volunteers from the UP Red Cross Youth, along with members of their partner organizations, dedicated their time and effort to offer a wide range of activities. These included: Challenges Encountered Throughout their 8 month-long journey, the learning hub faced numerous challenges. One of the most frequent issues was coordinating schedules and finding volunteer teachers each week. Sometimes, recruiting volunteers was easy but other times it was a struggle. The team often had to support each other and, although their work was incredibly fulfilling, it was also tiring at times. Due to difficulties in finding available members to […]

𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐧𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐭𝐚𝐤 𝐔𝐏!

Noong ika-4 ng Mayo 2024, ginanap ang ika-18 na Gandingan Awards sa Charles Fuller Baker Memorial Hall, UP Los Baños, Laguna. Sa nasabing pagtitipon, muling iginawad sa Serbisyong Tatak UP ang titulong “Most Development Oriented AM Program” para sa natatangi nitong kontribusyon sa lipunan. Noong nakaraang taon, nakamit ng Serbisyong Tatak UP ang naturang parangal dahil sa episode na pinamagatang “Kagawasan at Kalinaw: Plight of the Lumad” na angkop sa temang “Kabuhayan, Buhay ng Bayan”. Samantala ngayong taon, nagwagi ang entry na “Framework sa Pakikipagtulungan sa mga Komunidad: Oh My Gulay sa CHK NSTP-CWTS Ecogarden”, dahil tinatanghal nito ang mga pagsisikap ng mga mag-aaral mula sa CHK NSTP-CWTS na magkaroon ng isang matatag na eco garden sa kampus na suhay sa temang “Agrikultura: Mga Kwento ng Hamon at Pag-asa” na naglalayong magbigay ng pagpupugay sa agrikultural na sektor sa bansa. Kabilang din sa nominado para sa kategoryang “Most Development – Oriented Youth Program” ang STUP episode na pinamagatang, “Gurong Pahinungod” at ang “Kahampatan: Intervention Ethical Framework in Working with Communities” para naman sa kategoryang “Most Development – Oriented Educational Program”. Nagpapasalamat ang tanggapan ng NSTP Diliman sa Gandingan Awards sa patuloy nitong pagkilala sa programa at sa DZUP na siyang pangunahing katuwang ng tanggapan sa pagtataguyod ng programa. Higit sa lahat, nagpapasalamat din ang tanggapan sa mga nagbahagi ng kanilang kaalaman sa bawat diskusyon, mga naging tagapag-padaloy ng usapan, at mga naging tagapagtangkilik para sa kanilang walang sawang pakikinig sa programa. Ang pagpaparangal ng Gandingan Awards sa mga tampok na episodes ng Serbisyong Tatak UP ay nagsisilbing hamon at inspirasyon sa amin upang patuloy na magbigay ng tapat at masikhay na paglilingkod sa bayan! #TatakUPDNSTP #SerbisyongTatakUP #NSTP By: Marielle M. Lagulay and Latrell M. Felix

Highlights of OVCAA Accomplishments March 2020- March 2023

Para sa ating kaguruan,   Sa ngalan ng Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs, nais po naming ipabatid sa inyo ang highlights ng accomplishment report ng OVCAA mula Marso 2020 hanggang Marso 2023. Nasa attached file ang kabuuan ng highlights.   Sa nakalipas na tatlong taon, nakamit natin ang ilan sa mga sumusunod: Pagpapatupad ng flexible learning modalities upang mapanatili ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ng ating mga mag-aaral sa gitna ng pandemya, kasama na ang pagpapalawak ng ating faculty development program upang mapalakas ang kakayahan ng mga guro sa pagtuturo at paglilingkod sa ating pamantasan; Paglulunsad ng University Transactions Automated Kit (UTAK); Institusyon ng Social Sciences and Philosophy Productivity System (SSPPS); at Pagtataguyod ng transgender and gender non-conforming affirmative guidelines and academic information system. Nais po naming pasalamatan ang bawat isa sa inyong pagsisikap at suporta upang maisakatuparan ang mga nasabing proyekto. Muli po, maraming salamat sa inyong dedikasyon sa paglilingkod sa ating pamantasan.   Asahan din po natin ang highlights ng accomplishments ng mga opisina sa ilalalim ng OVCAA sa mga darating na linggo.   Salamat pong muli.