Monthly Archives: May 2024

1 post

𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐧𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐭𝐚𝐤 𝐔𝐏!

Noong ika-4 ng Mayo 2024, ginanap ang ika-18 na Gandingan Awards sa Charles Fuller Baker Memorial Hall, UP Los Baños, Laguna. Sa nasabing pagtitipon, muling iginawad sa Serbisyong Tatak UP ang titulong “Most Development Oriented AM Program” para sa natatangi nitong kontribusyon sa lipunan. Noong nakaraang taon, nakamit ng Serbisyong Tatak UP ang naturang parangal dahil sa episode na pinamagatang “Kagawasan at Kalinaw: Plight of the Lumad” na angkop sa temang “Kabuhayan, Buhay ng Bayan”. Samantala ngayong taon, nagwagi ang entry na “Framework sa Pakikipagtulungan sa mga Komunidad: Oh My Gulay sa CHK NSTP-CWTS Ecogarden”, dahil tinatanghal nito ang mga pagsisikap ng mga mag-aaral mula sa CHK NSTP-CWTS na magkaroon ng isang matatag na eco garden sa kampus na suhay sa temang “Agrikultura: Mga Kwento ng Hamon at Pag-asa” na naglalayong magbigay ng pagpupugay sa agrikultural na sektor sa bansa. Kabilang din sa nominado para sa kategoryang “Most Development – Oriented Youth Program” ang STUP episode na pinamagatang, “Gurong Pahinungod” at ang “Kahampatan: Intervention Ethical Framework in Working with Communities” para naman sa kategoryang “Most Development – Oriented Educational Program”. Nagpapasalamat ang tanggapan ng NSTP Diliman sa Gandingan Awards sa patuloy nitong pagkilala sa programa at sa DZUP na siyang pangunahing katuwang ng tanggapan sa pagtataguyod ng programa. Higit sa lahat, nagpapasalamat din ang tanggapan sa mga nagbahagi ng kanilang kaalaman sa bawat diskusyon, mga naging tagapag-padaloy ng usapan, at mga naging tagapagtangkilik para sa kanilang walang sawang pakikinig sa programa. Ang pagpaparangal ng Gandingan Awards sa mga tampok na episodes ng Serbisyong Tatak UP ay nagsisilbing hamon at inspirasyon sa amin upang patuloy na magbigay ng tapat at masikhay na paglilingkod sa bayan! #TatakUPDNSTP #SerbisyongTatakUP #NSTP By: Marielle M. Lagulay and Latrell M. Felix